Nakatakdang humarap sa mga business leaders ngayong alas-3:00 ng hapon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa10th Asian Conference sa Singapore.
Ayon sa Presidential Communications Office, priority policies at programs ng kanyang administrasyon ang ilalahad ng chief executive.
Sasalang si Pangulong sa isang 30-minute talk na tinaguriang “A Conversation with the President of the Republic of the Philippines.”
Bahagi ito ng partisipasyon ng Punong Ehekutibo sa 10th Asian Conference sa Singapore kung saan ay inaasahang mailalahad ng Pangulo sa mga business leaders ang Priority policies at programs ng kanyang Administrasyon.
Magsisilbing host ang Milken Institute ng Asia Summit na kung saan, inaasahan ding mabibigyang highlight ng Chief Executive Ang ginagawa ng gobyerno para mapaangat Ang Buhay ng mga Pilipino at kung paano hinaharap ng kanyang liderato ang global challenges.
Pokus ng Asia Summit 2023 ang matalakay din ang iba pang mga usapin gaya ng peace and stability, hindi pagkakapantay- pantay, pagkakaiba -iba sa kultura at isyu tungkol sa environmental damage.
Si Pangulong Marcos ang kauna- unahang sitting Philippine President na sasalang sa the Milken Institute’s Asia Summit.
Mapapanuod ang 30 minute talk Ng Pangulo live stream sa pamamagitan ng Milken Institute website.