-- Advertisements --

Hindi nababahala si Pang. Ferdinand Marcos, Jr. sa pahayag ni Vice Pres. Sara Duterte na maituturing na “impeachable offense” ang naging hakbang gobyerno na isuko si dating Pang. Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro na hindi nakikipag-tulungan ang gobyerno sa ICC dahil wala itong hurisdiksyon sa Pilipinas at hindi na nito miyembro sa Rome Statute.

No comment naman ang Malakanyang sa posibilidad na humina ang kaso laban kay Duterte dahil sa paulit-ulit na pahayag ng administrasyon na hindi makikipag-tulungan sa ICC.

Binigyang diin ni Castro na kahit walang inilabas na sulat ang pangulo na nagsasabing po-protekahan si Duterte sa banta ng ICC, ay tiyak na hindi pa rin makiki-alam ang gobyerno sa mandato ng international court.

Tugon naman ito ng Palasyo sa inihaing mosyon ng mga abogado ni Duterte sa ICC na humihiling na ibasura ang mga reklamo laban sa kaniya dahil sa kawalan ng legal na basehan, at pagbanggit sa umano’y liham noon ni Pang. Marcos, Jr. na hindi makikipagtulungan sa ICC.