-- Advertisements --

Bumiyahe na patungong Washington DC ss Amerika si Pangulong Ferdinand Marcos Jr para sa kaniyang official visit.

Ang pagbisita ni PBBM sa US ay batay sa imbitasyon sa kaniya ni US President Donald Trump.

Sa departure speech ng Pangulong Marcos ipinagmalaki nito na siya ang unang ASEAN head of state sa US sa ilalim ng Trump administration.

Bukod sa bilateral meeting ng Pangulo kay US Pres. Donald Trump, magkakaroon din ng bilateral meetings ang Pangulo kay US Secretary of State Marco Rubio, US Secretary of Defense Pete Hegseth.

Naniniwala ang Pangulo na mahalaga ang kaniyang pagbisita sa US dahil lalo nitong palalakasin ang matagal ng alyansa ng dalawang bansa.

Tiniyak ng Pangulo na ang kaniyang top priority sa kaniyang official visit ay itulak para lalo pang palakasin ang economic engagement ng dalawang bansa.

Isusulong ng Pangulo na magkaroon ng bilateral trade agreement ang Pilipinas at Amerika.

Giit ng Pangulo na kaniyang ihahayag kay President trump na handa ang Pilipinas na makipag negosasyon para magkaroon ng bilateral trade deal.

Kung maala 20% taripa ang ipinataw ng Amerika sa Pilipinas.