-- Advertisements --

Bumisita si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Valenzuela Medical Center (VMC) nitong Sabado upang personal na suriin ang pagpapatupad ng zero balance billing policy at tiyaking ang mga Pilipino—lalo na ang mga mahihirap at bulnerable—ay may access sa serbisyong pangkalusugan.

Ito ay kasabay sa pagdiriwang ng Pangulo sa kaniyang ika-68 birthday.

Ang zero balance billing policy ay isa sa mga pangunahing inisyatiba ng administrasyong Marcos na naglalayong alisin ang direktang gastos ng mga pasyente na naka-confine sa mga ward o basic accommodation services ng mga ospital na nasa ilalim ng Department of Health (DOH).

Pagdating ng Pangulo sa VMC, mainit siyang sinalubong ng mga medical professionals at staff ng ospital na may hawak na mga banner ng pagbati sa kanyang kaarawan.

Kasama niya sa pagbisita ang Unang Ginang Louise Araneta-Marcos at ang anak na si Joseph Simon Marcos. Pinasadahan nila ang iba’t ibang bahagi ng ospital gaya ng pediatric ward, Kangaroo Mother Care ward, and the surgery section.