-- Advertisements --

Binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga pamilyang biktima ng pagbaha sa Navotas City dahil sa epekto ng pagbaha sanhi ng habagat at iba pang sama ng panahon.

Mismong si Pangulong Marcos ang bumisita sa Tanza National High School Evacuation Center sa barangay Tanza 2 sa naturang lungsod ngayong araw.

Batay sa datos , aabot sa 162 pamilya o 538 katao ang nanunuluyan ngayon sa nasabing evacuation area kabilang na ang 19 senior citizens.

Kasama ng pangulo sa pagbisita ngayong araw ang mga kinatawan mula sa DSWD, DPWH, MMDA at lokal na pamahalaan ng Navotas.

Pinangunahan rin ng presidente ang pamamahagi ng relief packs, hygiene kits, pati na rin sleeping kits.

Kaugnay nito ay tiniyak ng pangulo na patuloy na magbibigay ang gobyerno ng ayuda sa lahat ng mga apektado ng kalamidad.