Naka-alis na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr at ang kaniyang delegasyon pasado alas-3:00 kaninang hapon patungong Germany at Czech Republic.
Sa mensahe ng Pangulo bago ito umalis, kaniyang sinabi na mahalagang bahagi ng biyaheng ito ang pagbibigay halaga sa limampung taong relasyon ng Pilipinas at Czech Republic habang ika 70 anibersaryo naman ng bilateral relations ng Pilipinas at Germany.
Kumpiyansa ang Pangulo na makapagsasara sila ng kasunduan sa Germany sa larangan ng renewable energy at sa energy transition efforts ng gobyerno, manufacturing, start ups, IT BPM, mineral processing at iba pa.
Sa Czech Republic naman ay mga kasunduan sa larangan ng agrikultura, manufacturing, automobile industry, scientific instruments sa aspeto ng technology.
Inaasahan din aniyang malalagdaan ang labor cooperation agreement sa pagitan ng Pilipinas at Czech Republic para matiyak ang maayos na deployment ng mga OFW sa nasabing bansa at ma proteksyunan ang kanilang kaligtasan, karapatan at kapakanan.
Naniniwala ng Punong Ehekutibo na ang mga nasabing hakbang ay magbubukas ng mas maraming economic cooperation at iba pang oportunidad para sa kapakinabangan ng parehong bansa.
Kasamang naghatid sa Pangulo ang caretaker ng bansa si VP Sara Duterte.
Nakipagkamay naman si VP Sara kay House Speaker Martin Romualdez pagdating nito sa Maharlika Lounge sa Villamor Air Base.
Pero kapansin pansin naman na hindi nagkaroon ng anumang pakikiharap o pakikipagkamay, o beso beso sina First Lady Liza Marcos at VP Sara sa Maharlika Lounge hanggang sa red caarpet sa hangar paakyat ng eroplano.