Sinimulan na ng Philippine Basketball Association (PBA) ng paglalagay ng mga pasilidad para sa kanilang gagawing bubble games sa Pampanga.

Inaasahan kasi na magsisimula ang mga ensayo sa nasabing lugar ngayong Linggo.

Nasa mahigit dalawang linggo pa para masimulan na ang 45th season ng PBA.

Magugunitang naantala ang nasabing mga laro noong Marso dahil sa coronavirus pandemic.