Inihahanda na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang mga protocols para sa pagbabalik na ng mga laro.
Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na posibleng sa buwan ng Setyembre ay matutuloy na ang pagbabalik sa laro ng PBA.
Dagdag na pa nito na pakonti-konti ng bumabalik ang ilang koponan sa pagsasagawa ng ensayo.
Inihalimbawa din nito ang panuntunan sa general community quarantine na maaari ng magsagawa ng aktibidad ang mga maliit na grupo kaya posibleng isagawa ang pag-workout ng limang katao kada sesyon.
Mahigpit din na ipinag-utos nito na dapat i-disinfect ang mga practice venues at mga equipment na gagamitin ng mga manlalaro.
Bukod pa dito ang pagsasailalim sa mga PBA staff ng coronavirus testing.
Sa ginawa din na pagpupulong ng PBA board na kapag natanggal na ang restriction ng hanggang Agosto ay agad nilang ipagpapatuloy ang mga laro.
Magugunitang noong Marso 11 ay kinansela ng PBA ang mga laro tatlong araw matapos ang pagbubukas ng 45 th season.