-- Advertisements --

Inihayag ni US President Donald Trump na itinigil ng Iran ang nakatakdang executions o pagpatay sa mga nakakulong na protesters.

Sinabihan din umano ang US President na nahinto na ang mga pagpatay sa Iran, subalit sa kabila nito, tinitimbang pa rin ni Trump ang pagkakasa ng military action sa naturang bansa.

Ipagpapatuloy din umano ng kaniyang administrasyon ang pagsubaybay sa crackdown sa mga nagpoprotesta sa Iran.

Samantala, hinimok naman ang ilang US personnel na lisanin ang base militar ng US sa Qatar bilang pagiingat. Maraming nasyon na rin ang naghikayat sa kanilang mamamayan na lisanin ang bansa habang ilang airlines naman ang nagpatupad ng rerouting ng kanilang flights para maiwasan ang airspace ng Iran.

Sa kasalukuyan, kabuuang 2,400 protesters na ang napatay mula nang simulan ng Iran ang crackdown, base sa datos mula sa US-based human rights group.

Hanggang sa ngayon din ay patuloy na ipinapatupad ng estado ang internet blackout halos isang linggo na ang nakakalipas.