-- Advertisements --

Binalaan na ni PBA Commissioner Willie Marcial ang mga manlalaro na irespeto ang mga nagaganp na laro.

Kasunod ito sa sinasabing kumalat na video na mayroong sumigaw na “luto” sa kasagsagan ng laro ng Barangay Ginebra at Meralco Bolts kung saan nakuha ng Gins ang kalamangan 2-1 sa best of five semifinals ng PBA Philippine Cup.

Ayon kay Marcial, kanilang ni-review ang video at walang narinig na sumigaw ng nasabing kataga.

Maging ang mga game officials at referee ay kaniyang tinanong at wala rin silang aniyang narinig.

Dagdag pa nito na ang sinumang mahuli na magbanggit ng nasabing kataga ay pagmumultahin niya ng hanggang P100,000.