Ibinunyag ng Deparment of Interior and Local Government (DILG) na karamihan sa mga na-dismiss na mga miyembro ng Philippine National Police (PNP ) ay nasangkot sa organized crime groups.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, na sa 8,000 na may edad na 55 pababa na mga nadismiss na mga kapulisan kung saan karamihan sa kanila ay kabilang na sa mga organized crime groups.
Giit nito na kaya sila hindi nagmamadali para punan ang mga posisyon dahil kailangan salain mabuti ang mga aplikante para hindi sila mapariwara at mapunta sa mga criminal group.
Aminado nito na maraming mga aplikante sa pagkapulis subalit hindi umano sila kuwalipikado.
Sa ngayon aniya ay kinakailangan ng 49,000 na mga pulis para mapanatili ang ratio na isang pulis sa 500 katao.















