-- Advertisements --

Tuluyan ng kinansela ng Philippine Basketball Association (PBA) ang kanilang All-Star games dahil sa coronavirus pandemic.

Gaganapin sana ngayong taon ang All-Star Game sa Passi, Iloilo sa buwan ng Hulyo.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, na kanilang kinansela ang nasabing aktibidad dahil nasa isang conference lamang sila ngayon taon.

Dagdag pa nito na magsasagawa muna sila ng pagpupulong para pag-usapan kung kailan itutuloy ang nasabing aktibidad.

Sakaling pumayag ang local government ng Passi, Iloilo ay posibleng doon na rin nila muli ito gawin sa susunod na taon.