-- Advertisements --
Ipinag-utos ni Russian President Vladimir Putin sa kaniyang mga kasundaluhan ang tatlong araw na pag-atake saUkraine.
Kasunod ito sa nakatakdang pagbisita sa Moscow ng mga kinatawan mula sa US.
Unang bibisita sa Russia sina US special envoy Steve Witkoff at manugang ni US President Donald Trump na si Jared Kushner.
Pupulungin ng dalawa ang ilang opisyal ng Russia para sa pagpapatuloy ng ceasefire.
Pagkatapos ng pagbisita sa Moscow ay magtutungo rin ang dalawa sa Ukraine.
Sinabi naman ni Ukraine President Volodymyr Zelensky na magpapatupad din sila ng pagtigil ng pag-atake sa Russia ng hanggang tatlong araw.
















