-- Advertisements --

Napabilang din sa mga biktima ng Phoenix Suns ang Philadelphia 76ers nang talunin sa score na 116-113.

Ito na ang magkasunod na games na dinispatsa ang Suns ang mga top teams sa East.

Dahil dito, gumanda pa ang kartada ng Suns para sa kanilang NBA-best road record sa 19-7 at second overall sa 42-16.

Nanguna sa diskarte ng Suns sina Chris Paul, Devin Booker at Mikal Bridges.

Si Paul ay umiskor ng 28 points kasama na Ang limang three point shots, si Booker naman ay may 19 habang si Bridges ay nagdagdag ng 18.

Sa panig ng Sixers si Joel Embiid ay nagtapos sa 38 points at 17 rebounds.