Ipinag-utos ng Sandiganbayan Third Division sa warden ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na ipasok bilang detention prisoner si dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng kasong plunder ukol sa umano’y P7.4 bilyong infrastructure kickback scheme.
Itinatakda ng anti-graft court ang kanyang arraignment at pre-trial sa darating na Setyembre 14.
Gayunpaman, ayon sa Philippine National Police (PNP), nananatiling hindi “medically fit to travel” ang dating opisyal batay sa medical certification ng kanyang mga doktor sa Cardinal Santos Medical Center.
Matatandaang inaresto at isinailalim sa police custody si Romualdez sa loob ng ospital noong Lunes habang nagpapagaling sa cardiovascular event, alta presyon, at panic attack.
Pinagpaliwanag din ng korte ang kanyang mga attending physician upang magbigay ng opisyal na ulat sa kanyang tunay na kondisyon.
Sa ngayon, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa ospital sakaling magbago ang kalusugan nito upang maiprisinta siya nang personal sa korte.
















