ILOILO CITY – Sugatan ang isang pulis at dalawang preso matapos naaksidente ang Mahindra Patrol Car sa Barangay Luca, Ajuy, Iloilo

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Lt. Danilo Noca, hepe ng Ajuy Municipal Police Station, sinabi nito na nagmula sa Barotac Viejo Regional Trial Court ang patrol car ng Balasan Municipal Police Station at papauwi na sana sa bayan ng Balasan, Iloilo ng mangyari ang aksidente.

Ayon kay Noca, sumabog ang gulong ng patrol car ng pulis dahilan upang matumba ito sa daan.

Ang mga sugatang preso na lulan ng patrol car ay sina Rey Aguillar at Dexter Baldia at ang pulis naman ay si Patrolman Ermirito Aquiño.

Sa ngayon nasa estable nang kondisyon ang mga sugatan.