-- Advertisements --
Screenshot 2020 06 04 17 54 33 26

Agad itinakda ng Department of Justice (DoJ) ang preliminary investigation sa patong-patong na kasong isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa pulis na bumaril patay sa dating sundalong si Winston Ragos sa Quezon City noong buwan ng Abril.

Ayon kay DoJ Sec. Menardo Guevarra, ngayong buwan na ay asahang iimbestigahan ng DoJ ang mga kasong isinampa kay  Police Master Sergeant Daniel Florendo na sangkot sa pagpatay sa dating sundalo noong Abril 22 sa Fairview, Quezon City.

Sinabi ni NBI-Death Investigation Division (DID) na ang mga kasong isinampa sa suspek ay murder, perjury at planting of evidence laban kay Florendo.

Si Ragos ay matinding tinamaan nang binaril ng naturang pulis sa control point sa naturang lungsod.

Sinasabing tinangka umanong bumunot ng baril si Ragos nang pinauuwi ito para sundin ang Coronvirus disease 2019 (COVID-19) quarantine measures.

Lumalabas na nagsilbi sa militar ang sundalo sa loob ng pitong taon at na-discharge noong Enero 2017 matapos ma-diagnosed na mayroon post-traumatic stress disorder.