Umakyat na sa 98 ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng Tropical Storm Paeng ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Sa mga ito, 58 ang kumpirmado habang 40 ang nananatili para sa validation.
Samantala, 69 katao ang nasugatan habang 63 katao ang nananatiling missing.
Sinabi ng ahensiya, nasa 195 kalsada at 72 tulay ang nananatiling hindi madaanan matapos ang pananalasa ni Paeng.
Dagdag pa nito na nasa 1,812,740 Pilipino–o 575,728 pamilya, ang naapektuhan ng bagyong Paeng.
Mahigit 80,000 sa mga pamilya naman ang lumipat sa 27,109 evacuation centers sa buong bansa.
Naibalik na rin ang kuryente sa 94 na lugar sa 11 apektadong rehiyon sa Pilipinas.
Umabot din sa 4,188 ang naapektuhan ng bagyo.
Sa mga ito, 689 ang nawasak habang 3,499 ang nagtamo ng pinsala.
Ang halaga ng pinsala sa imprastraktura ay nasa P757,841,175.
Samantala, nasa P435,464,774.16 ang pinsala sa agrikultura, kung saan 24,813 na magsasaka at mangingisda ang apektado ng bagyo.
Sinabi ng NDRRMC na 16,260.67 ektarya ng crop area ang naapektuhan ng Paeng, Sa mga ito, 3,678.06 ang wala nang chance of recovery.