Tumaas pa at ngayon ay nasa 11,396 na ang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Pinakamarami ay mula sa Italy, sinusundan ng China at pangatlo ang Iran.

Habang ang mga infected ng virus ay umabot na sa 275,733.

Sa naturang bilang, 164,660 (95%) ay mild condition at 7,765 (5%) naman ay serious o critical condition.

Samantala, nadagdagan pa ang mga naka-recover at ngayon ay aabot na ito sa halos 92,000.