Pumalo na sa 41 ang naitalang bilang ng mga nasawi dahil sa typhoon Ursula.

Matatandaang pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang nasabing bagyo noong Disyembre 23, 2019 at lumabas naman kahapon, Disyembre 28, 2019.

Batay sa data ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pinakamaraming namatay ay dahil sa pagkalunod.

Maliban sa mga nasawi, mayroon pang 12 na hindi natatagpuan.

Halos 30 naman ang nagtamo ng sugat at karamihan sa mga ito ay bumubuti na ang kalagayan.

Tuloy-tuloy naman ang pagbibigay ng tulong sa mga lumikas na residenteng nasa evacuation centers.