Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na magkakaroon ng pantay at balanseng paghawak sa magiging pagtalakay ng rape complaints laban sa isang Philippine Air Force (PAF) two-star General.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, dpat na maging tapat, pantay at mayos ang magiging pagtalakay sa mga complaints lalo na at isang high-ranked official ang inirereklamop ng dalwang PAF personnel.
Maari kasing nagiwan ng trauma sa mga biktima ang mga pangyayaring kanilang naranasan kaya naman nangako ang DOJ na tututukan nila ang mga kaso.
Ayon naman sa legal counsel ng mga complainants, naisampa na ang mga kaso kahit na isinailalim na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang opisyal sa isang internal investigation.
Kasunod nito ay inanunsyo ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad na kasalukuyang nasa restrictive custody na ang opisyal matapos matuklasan sa inisyal na imbestigasyon ang prima facie na ebidensya para irekomenda ang court martial proceedings laban sa nasasakdal.
Samantala, inihayag rin ni Trinidad na matapos ang pagrepaso sa resulta ng pre-trial investigation, maaaring ipag-utos ni AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr. ang pagsasagawa ng mga paglilitis ng court martial.