-- Advertisements --

Pumalo na sa 57,647 na mga pamilya o katumbas ng 176,962 na mga indibidwal apektado ng matinding pagbaha ngayon sa ilang bhagi ng Mindanao bunsod ng umiiral na Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ).

Ayon sa mga ulat ng DSWD-Disaster Response Management and Information and Communication, mula sa mga rehiyon ng Region IX, X XI, XII at ng Bangsomoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang mga nnanatiling apektado ng baha.

Kasunod nito ay inilikas na ang 1,564 na mga pamilya at kasalukuyang nannunuluyan sa 13 mga evacuation centers sa rehiyon habang 1,732 na mga pamilyaa naman ang lumikas na at nakituloy muna sa kanilang mga kapamilya o mga kakilala.

Samantala, inaasahan na magpapatuloy pa ang pagbaha sa mga naturang rehiyon na siyang nagumpisa pa noong Mayo 15.

Sa ngayon, pagsisiguro ng ahensya, mayroon pang nkalang P3.234 bilyong halaga ng mga relief resources ang kanilang tanggapan para maging tuloy-tuloy ang pagpapaabot ng tulong sa ma apektadong mga residente.