Natagumpay na naipatupad nitong nagdaang eleksyon ang maigting na kampaniya ng Philippine National Police (PNP) kontra sa vote-buying para sa isang matapat na eleskyon.
Batay sa datos ng PNP, nakapagtala ng halos hindi bababa sa 28 na mga vote-buying incidents ang kanilang hanay mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa na siyang mas mataas ng 14 kumpara sa naging datos na 24 insidente noong taon ng 2023 sa naging Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon sa PNP, ang tagumpay na ito ay bunga ng mas pinaigting na pagkakasa ng mga operasyon ng kanilang hanay sa iba’t ibang bahagi ng bansa para suportahan ang komite ng Kontra-Bigay ng Commission on Elections (Comelec).
Nanguna sa mga may pinakamaraming naitalang insidente ng pagbili ng mga boto ay ang Region 7 na mayroong 10 insidente at sinundan ng Region 1 na mayroong pitong kaso at Region IV A na may limang ulat naman ng vote buying.
Sa kasalukuyan ay patuloy ang mga ikinakasang imbestigasyon sa mga naiulat na kaso at tiniyak naman ng PNP na patuloy silang makikipagugnayan sa Comelec at maging sa Department of Justice (DOJ) para sa mga kaukulang kasong isasampa sa mga may sala.