Malugod na tinanggap ng Armed Forces of the Philippines ang bagong liderato ng Joint U.S. Military Assistance Group (JUSMAG) Philippines sa naging introductory call ng mga ito kay General Romeo S. Brawner Jr.
Personal na nagkaharap sina Gen. Brawner Jr. at incoming Chief ng JUSMAG Philippines, Colonel Daniel Oh. Sa naging diskusyon ay muling pinagtibay ng dalawang kampo ang suporta sa bawat isa.
Muli ring tiniyak ng dalawang lider ang kanilang commitment para mapalakas ang alyansa sa pagitan ng US at Pilipinas para mapatatag at maprotektahan ang kapayapaan at seguridad sa buong Asia-Pacific Region.
Nagpasalamat din si General Brawner sa tuloy-tuloy na assistance na ibinibigay ng JUSMAG sa iba’t-ibang kapasidad, mula sa capacity-building, at training, hanggang sa paghahatid ng logistical assistance.
Papalitan ni Colonel Oh ang outgoing chief na si Colonel Edward R. Evans na nagsagawa rin ng exit call sa AFP noong Mayo-9.
Ang Joint US Military Assistance Group to the Republic of the Philippines ay nagsisilbi bilang U.S. Security Assistance Organization (SAO) sa Pilipinas. Ang pinuno nito ay isa ring senior Defense official ng US.
Resposibilidad ng pinuno nito na pangunahan ang mga security at non-security assistance mission ng US sa Pilipinas. Kabilang dito ang Joint Combined Bilateral Exercise Program at iba pang military program, salig sa mga itatakda ng Mutual Defense Board.