Wala pa ring pasok bukas, Nobyembre 4, sa Davao City kasunod ng magnitude 6.5 na lindol na tumama sa Mindanao noong nakaraang linggo.
Ayon kay Davao City Mayor Sara Duterte, sa darating na Martes pa ang resumption ng mga pasok sa lungsod.
Ito ay para na rin aniya mabigyan ng sapat na panahon ang mga school authorities na mainspeksyon ng husto ang mga school buildings bukas, at para na rin mabalikan muli ang mga plano para sa kaligtasan ng mga estudyante at empleyado.
“Classes, from kindergarten to post-graduate studies, in public and private educational institutions will resume Tuesday, November 5,” ani Mayor Sara sa isang statement.
“School authorities are mandated to spend November 4 as a day to thoroughly inspect schools buildings, review earthquake action plans, and disaster manual to ensure the safety of the students and employees,” dagdag pa nito.
Bukod dito, inaasahan din ang mga namumuno sa mga paaralan na magsagawa ng earthquake at fire drills ng kahit isang beses sa isang buwan.
Inaabisuhan din ang mga ito na mag-provide ng mga eksperto na tutulong sa mga mag-aaral na nakaranas ng stress, trauma, at anxiety bunsod sa serye ng mga malalakas na lindol.