Sinuspindi na ng Korte Suprema ang pasok sa lahat ng korte sa Metro Manila ngayong araw.

Ito ay dahil pa rin sa nararanasang pag-ulan at pagbaha sa ilang lugar sa Metro Manila.

Ayon kay Supreme Court (SC) Spokesperson Atty. Brian Hosaka, nasa discretion na rin ng mga executive judges sa iba pang apektadong lugar na nasa labas ng Metro Manila kung sususpendehin ang trabaho ng mga korte.

Maliban sa mga korte, suspendido rin ang trabaho at pasok ng mga estudyante sa malaking bahagi ng bansa dahil sa pag-ulan.