-- Advertisements --

Nakahanda na rin ang lungsod ng Pasig sa pagsasagawa ng limitadong face-to-face classes.

Target kasi ng lungsod na simulan ito sa Disyembre 6 kung saan kinabibilangan ito ng Pasig Elementary School, Nagpayong Elementary School, F. Legazpi at Pasig Ugong National High School.

Pinasalamatan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mga magulang ng mga mag-aaral dahil sa pinayagan nila ang kanilang anak na makibahagi sa nasabing dry run.

Nauna ng sinimulan ng Department of Education ang pilot implementation ng limitadong face-to-face classes sa may 100 public schools noong Nobyembre 15 at nitong Nobyembre 22 ay isinagawa ang dry run sa mga 18 private schools.