-- Advertisements --

Naglabas ng Memorandum Circular ang Malacanang para sa pagpapatupad ng alternative work arrangements sa mga opisina ng gobyerno at alternative learning modes sa mga paaralan sa ilang lugar sa bansa ngayong Setyembre 10.

Bumase sila sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na makakaranas ng pag-ulan dahil sa epekto ng habagat.

Ang mga lugar na apektado ng nasabing memorandum circular ay kinabibilangan ng National Capital Region (NCR); La Union, Pangasinan, Benguet, Bataan, Bulacan, Pampanga, Zambales, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Occidental Mindoro at Oriental Mindoro.

Hindi naman kasama dito ang mga ahensiya na ang trabaho ay magbigay ng basic at health service, disaster preparedness at response maging ang mga vital services ay magpapatuloy ang operasyon.

Habang ang mga Contract of Service (COS) at Job Orders (JO) workers na nailagay sa alternative work arrangements ay babayaran ng kanilang arawang sahod.

Habang nasa kanilang mga employer ng mga private companies kung kanila ikakansela ang pasok ng kanilang mga empleyado.