Magkakaroon ng dalawang araw na wellness break ang mga guro sa public elementary at high schools sa Setyembre 14 at 15, 2026, ayon sa Department of Education o DEPED.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, layunin ng wellness break na mabigyan ang mga guro ng panahon para makapagpahinga, makabawi at asikasuhin ang kanilang personal na kapakanan bago magsimula ang panibagong term.
Nakasaad sa Memorandum na ang wellness break ngayong term ay itinakda sa Lunes, Setyembre 14, at martes, Setyembre 15, batay sa DepEd order no. 009, series of 2026 na nagtatakda ng three-term school calendar sa basic education.
Sa loob ng dalawang araw, hindi maaaring obligahin ang mga guro na dumalo sa meetings, trainings, learning action cell sessions at iba pang school activities, gayundin sa pagsusumite ng reports, outputs at iba pang official work. Hinikayat ang mga regional at division offices at mga paaralan na tiyaking mananatili itong tunay na break para sa mga guro.
















