“Mahiya naman kayo nang kaunti.” Ito ang matapang na pahayag ni Department of Foreign Affairs Secretary Gilbert Teodoro laban sa China sa kanyang pagdalo sa Seoul Defense Dialogue sa South Korea.
Sa kalagitnaan ng kanyang pagsagot sa mga tanong sa defense forum, isang sulat ang iniabot kay Teodoro na naglalaman umano ng posisyon ng China hinggil sa 2016 South China Sea arbitral ruling.
Ayon sa organizer ng forum, isang staff member ang nagbigay ng note kay Teodoro at sinabing nagmula ito sa panig ng China.
“I have a note here. I think this is from China. You should have joined. May I read it?” ani Teodoro bago basahin ang nilalaman ng sulat.
Nakasaad sa note na ang posisyon ng China sa arbitral ruling ay “clear, consistent, and firm.”
Agad naman itong kinuwestyon ni Teodoro. Iginiit niya na ang arbitration ay isinagawa alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
“‘The Arbitration violates fundamental principles of international law.’ What you signed, UNCLOS, you mean violates international law. That’s what you mean,” ani Teodoro.
Binigyang-diin din ng defense chief na hindi kinikilala ng China ang arbitral award dahil hindi pabor sa kanila ang naging desisyon.
“‘China neither accepts nor recognizes the Award.’ Of course, because you lost,” ani Teodoro.
Inalmahan din niya ang paraan ng pagbibigay ng note habang isinasagawa ang forum. Ayon kay Teodoro, nagpapakita umano ito ng kawalan ng respeto hindi lamang sa mga organizer kundi maging sa mismong Seoul Defense Dialogue.
Tinawag din niya itong isang anyo ng pambubully at kawalan ng disiplina sa isang international defense forum.
“Now, in Filipino: Maging disente lang kayo nang konti. Mahiya naman kayo nang konti.”
Sa kabila nito, nagpasalamat pa rin si Teodoro sa taong nagbigay ng sulat at sinabing itatabi niya ito bilang “memento” ng umano’y desperasyon ng China sa usapin ng territorial dispute.
“I will keep this paper as a memento of how desperate China is, and how ineffective its position is in the face of a free audience.”
Nagpasalamat din siya sa nag-abot ng note, na aniya ay nakatulong sa kanyang bansa sa pamamagitan ng pagpapakita ng posisyon ng China sa harap ng international audience.
“You just done your country a great service, thank you. And I hope you don’t suffer in a goal for it.”










