Pari
-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Maituturing na himala ang nangyari sa isang pari matapos masangkot sa vehicular crash sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Fr. Ludwin “Noy” Alerta, DCK sa Diocese of Kidapawan City.

Ayon sa ulat ng Antipas PNP, sakay si Fr Alerta ng kanyang pickup nang madisgrasya ito sa bahagi ng Barangay Malatab, Antipas, Cotabato.

Malakas umano ang ulan at zero visibility ang kalsada kaya tumaob ang pickup sa gilid ng kalsada.

Agad tinulungan ang pari ng mga residente at dadalhin na sana sa pagamutan ngunit tumanggi ito.

-- Advertisement --

Konting galos at pasa lang ang natamo ng pari kaya hindi na ito dinala sa pagamutan.

Maituturing umano na himala ang nangyari sa kanya.

Nagpasalamat naman ang pamilya at mga pari dahil ligtas na nakauwi sa Kidapawan City si Father Ludwin.