Dumistansya ang lider ng minorya sa Kamara kaugnay ng posibilidad na tumakbo rin bilang House Speaker ng 18th Congress ang anak na pangulo na si Davao congressman-elect Paolo Duterte.
Sa isang press briefing, sinabi ni House Minority leader Quezon Rep. Danilo Suarez na tiyak na uulanin ng batikos ang pamahalaan kung iluluklok bilang pinuno ng Kamara ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y matapos sabihin ni dating Speaker Pantaleon Alvarez na handa niyang i-endorso ang anak ng chief executive kung papayuhan itong tumakbo ng pangulo.
“I don’t know Cong. Duterte (Paolo), I’ve heard of him to be a good vice mayor, anyway nasa bloodline naman, Duterte ang bloodline. Pero I really doubt it na people will accept, ang presidente si Pangulong Duterte tapos ang House Speaker anak niya.”
“Medyo marami ng magtatakas ng kilay na tao. Too bad na na-tiyempuhin ni Cong. Duterte na presidente ang tatay niya. Siguro kung hindi presidente si Digong he (Paolo) may have the chance getting crack at the leadership of the house.â€
Sa ngayon lima ang matunog ang pangalan nina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, Leyte Rep. Martin Romualdez, Taguig Rep. Alan Peter Cayetano, Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers bilang susunod na House Speaker
Pero sa kabila nito, tikom pa rin ang kasalukuyang lider ng mababang kapulungan na si Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo hinggil sa napupusuang pumalit nito sa kanyang pwesto.
Giit naman ni Suarez, hindi nasusukat sa endorsement ng sino mang mataas na opisyal o malapit sa pangulo ang kapalaran ng susunod na lider ng Kamara.
Ayon sa kanya, mahalagang bagay pa rin ang karanasan at kaalaman ng isang mambabatas para umupo bilang Speaker ng Lower House.
“Now the present problem of this country is very serious. We have unemployment, hunger, the economy doesn’t look good; and the leader of the house should be judged by the ability and run this and confront these problems and not because you’re recommended by whom.”
“Sana naman makita ng mga kasamahan ko na ang pamimili ay yung makapagdadala ng purpose ng Kongreso hindi yung nirekomenda.â€