CEBU – Nakitaan ng mga indikasyon na ginahasa si Christine Lee Silawan ang Grade 9 student na natagpuang patay sa isang bakanteng lote sa Barangay Bangkal, lungsod ng Lapu-Lapu noong Marso 11.

Ito’y matapos na nagsagawa ng re-autopsy ang Public Attorney’s Office sa katawan ng biktima.

Ayon kay PAO Forensic Pathologist Dr Erwin Erfe na nakitaan ng mga sariwang sugat ang maselang bahagi ng katawan ng biktima.

Nakitaan rin ng indikasyon na sinakal ang biktima.

Dagdag pa ni Erfe na base sa mga sugat na nakita sa katawan ng biktima, ginamitan ito ng pwersa.

Siniguro naman ni PAO Chief Persida Acosta na bibigyan nila ng hustisya si Christine Lee.

Posibli rin umano silang maghahain ng hiwalay na kaso base sa kanilang mga findings sa kanilang sariling imbestigasyon.