Inaprubahan na ng House of Representatives sa ikalawang pagbasa ang panukalang i-revoke ang legislative franchise ang Swara Sug Media Corporation na nag ooperate sa Sonshine Media Network International (SMNI).
Kanina inakyat na sa plenaryo ang committee report ng Legislative Franchises kung saan lusot na sa second reading.
Inihayag naman ni Paranaque Rep. Gus Tambunting na ang panukalang franchise revocation ay dadaan sa regular na proseso.
Ibig sabihin pagkatapos itong aprubahan sa third and final reading ita-transmit pa ito sa Senado.
Kanina, madaling nakalusot sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang House Bill 9710 na nagpapabawi sa prangkisa ng SMNI.
Sinabi ni Tambunting na ang Kongreso ang nagbigay nito, at ang Kongreso rin ang pwedeng bumawi nito.