Naipasa na ng senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na naglalayong bumuo ng Maharlika Investment Fund (MIF).
May kabuuang 19 na senador ang pumabor habang kumontra si Senator Risa Hontiveros at nag-abstain naman sa pagboto si Sen. Nancy Binay.
Umabot sa mahigit 12 oras ang ginawang marathon hearing na nagtapos pasado alas-2:30 ng umaga nitong Miyerkules Mayo 31.
Isasagawa naman ang bicameral conference committee meeting ngayong Miyerkules ng umaga para sa mapagkaisa ang bersiyon ng Senado at House of Representative na House Bill 6608.
Pangungunahan nina Senator Mark Villar, Pia Cayetano, Bato dela Rosa, Sherwin Gatchalian, Francis Tolentino, Pia Cayetano at Aquilino “koko” Pimentel III ang delegasyon ng senado.
Ang Maharlika Investment Fund ay isang sovereign wealth fund na maaring gamitin ng gobyerno para gumawa ng investments.
Nakasaad sa panukalang batas ang kukunin ang pondo mula sa Land Bank of the Philippines na may P50 bilyon magbibigay naman ang Development Bank of the Philippines ng P25 bilyon habang ang National Government ay mayroong P50 bilyon.
Ang kontribusyon na mula sa nationa government ay magmumula sa total declared dividends ng Bangko Sentral ng Pilipinas, Phils. Amusement and Gaming Corp at ilang mga sources gaya ng royalties at special assessments.
Pagbabawalan din ang paggamit ng pondo ng Government Service Insurance System Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance (PhilHealth) corporation, Pag-IBIG, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippines Veterans Affairs Office (PVAO) para sa pagkuha ng kapital at investment sa Maharlika Fund.