-- Advertisements --
Ipagbabawal na sa Galicia, Spain ang paninigarilyo sa publiko dahil umano sa patuloy na pagtaas ng tsansa ng COVID-19 transmission.
Ilan sa mga tukoy na lugar na pagbabawalan na manigarilyo ay sa pampublikong kalsada, pampublikong lugar gaya ng restaurants at mga bars kung saan hindi nasusunod ang social distancing.
Dahil dito ay posibleng ipatupad rin ito sa ibang mga lugar sa bansa.
Ang nasabing hakbang ay ipinatupad kasunod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 kung saan nagtala ng 1,690 na bagong kaso nitong Miyerkules.