-- Advertisements --

Nagpahayag ng pangamba ang mga residente ng Ukraine, kasunod ng panibagong pagsalakay sa Nuclear power plant dahil sa radiation.

Nagbabala naman ang operator nito hinggil sa panganib na dulot ng radioactive leak.

Nagpalitan naman ang Ukraine at Russia ng mga bagong akusasyon kaugnay sa pag-atake sa Zaporizhzhia nuclear power plant nitong Sabado.

Kung saan ang planta ng Zaporizhzhia sa katimugang Ukraine ay kasalukuyang inookupahan ng mga Russian troops mula pa noong unang bahagi ng Marso.

Paulit-ulit naman ang pag akusa sa Kyiv at Moscow sa mga rocket attack sa paligid ng planta.

Bilang resulta ng pag-atake ay may mga nasirang imprastraktura na may dalang panganib na pwedeng magdulot ng sunog dahil sa mga hydrogen leakeage at sputtering radio active substance.

Dagdag rin ng ahensya na ang nagpapatakbo nito ay may panganib na dala na lumabag sa kaligtasan sa sunog at radiation.