-- Advertisements --
IMG20191207090313

Nagtala ng panibagong record sa South East Asian (SEA) Games ang Pinay short distance runner na si Kristina Knott.

Binasag nito ang parehong national at meet record sa women’s 200-meter event sa qualifying heat ng track kanina lamang.


Nagtapos ang Filipino-American sprinter sa record na 23.07 para basagin ang napakatagal nang 23.30 record ni Supavadee Khawpeag ng Thailand noong 2001 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Binasag din niya ang long-time national record na 23.35 ni Lydia De Vega noong 1986.

Target ngayon ni Knott na maabot ang qualifying standard na 22.80 para makapasok sa 2020 Tokyo, Japan Olympics.