Nag-anunsyo ng panibagong oil price increase ang kompaniyang Chevron Philippines Inc. (Caltex).

Ipapatupad umano ito sa Martes, Agosto 20, 2019, sa ganap na alas-12:01 ng hatinggabi.

Aabot sa 50 sentimos ang idaragdag sa halaga ng gasolina, 75 sentimos sa diesel at 50 sentimos din sa kerosene.

Inaasahang maglalabas din ng kani-kanilang abiso ang iba pang kompaniya ng langis sa mga susunod na araw.

Ang price hike ay bunsod umano ng paggalaw ng halaga ng mga produktong petrolyo sa international market.