Binuksan sa publiko ang isang monumento na nagsisilbing ‘symbol of peace’ sa Maguindanao Del Norte ngayong araw.
Pinangunahan nina Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity Sec. Carlito Galvez Jr. At Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang seremonya para sa pagbubukas sa naturang monumento sa headquarters ng 6th Infantry Division, Phil Army na nakabase sa Maguindanao Del Norte.
Ang naturang monumento ay isang m-16 rifle na gawa mula sa piyesa ng mga nasabat, nakumpiska, at narekober na mga armas ng ibat ibang mga grupo sa Bangsamoro Region.
Ito ay nagpapakita umano ng pagsisikap ng pamahalaan na ipalaganap ang kapayapaan sa lugar, lalo na sa nagpapatuloy na kampanya ng gobierno upang mapigilan ang pagkalat ng mga hindi lisensyadong mga baril sa naturang rehiyon.
Umaasa naman si AFP Chief Gen Brawner na ang binuksang monumento ay magsisilbing inspirasyon tungo sa mas malawak na pagkakaisa sa pang-unawa ng bawat isa.
Ayon sa AFP Chief, ang naturang monumento ay simbolo rin ng pagsisikap ng sandatahang lakas ng Pilipinas, na makamit ang kapayapaan sa buong Mindanao at sa buong Pilipinas.