Itinaas at isinailalim muli ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) sa “blue alert status” ang kanilang Operations Center dahil a pagpasok ng bagong Bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Naging epektibo naman ang pagtaas ngv antas ng elerto kanina pasado 11:00am ng umaga dahil sa Bagyong Crising.
Paliwanag ng NDRRMC, layon nito na mas gawing mahigpit ang monitoring at mas mapabilis ang pagkuha ng mga impormasyon para matiyak na magiging ligtas ang publiko.
Ipapatupad naman ng NDRRMC ang mas pinalakas na koordinasyon ng ahensiya sa mga tanggapan para mas masiguro ang kaligtasan ng mamamayang pilipino partikular na sa mga nasa bahaing lugar.
Samantala, pinayuhan naman ang publiko na manatiling akerto at handa habang nakikinig sa mga abiso mula sa mga tamang otoridad.