ILOILO CITY – Kinumpirma ni Department of National Defense Sec. Delfin Lorenzana ang pagdating ng panibagong batch ng mga Overseas Filipino Workers sa Panay sa Mayo 13.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Lorenzana, sinabi nito na mayroon ng koordinasyon sa mga ahensya ng gobyerno at miyembro ng Inter-Agency Task Force kaugnay sa repatriation.
Ayon kay Lorenzana, gusto nilang masiguro na magiging maayos ang pag-uwi ng mga Overseas Filipino Workers at walang magpositibo sa Coronavirus Disease 2019.
Ani Lorenzana, ayon sa protocol ang nagnegatibo lang sa swab test at nakatapos ng 14-days quarantine ang pinayagang makasakay sa barko.
Napag-alaman na base sa manifesto, umabot sa 66 na OFW ang nakatakdang uuwi sa Panay kung saan 36 rito ang residente ng Iloilo.