-- Advertisements --

Nakatakdang dumating ngayong araw ang 1.6 milyon doses ng Johnson&Johnson COVID-19 vaccine sa bansa.

Ayon sa National Task Force Against COVID-19 na ang nasabing bilang ay kahalintulad ng naunang dumating nitong Biyernes Hulyo 16 na lulan ng Flight EK 0332 pasado alas-4pm sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Magugunitang noong Abril ay inaprubahan ng Food and Drugs Administration ang J&J COVID-19 vaccine ang emergency use nito.

Ang single dose vaccine ay ipapamahagi aniya sa mga island provinces sa Visayas at Mindanao.