Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na magagamit ang inilaang pondo para sa mga biktima ng typhoon Odette.
Kasabay ito ng pagbisita ng Pangulong Rodrigo Duterte sa lalawigan ng Cebu na matindi ring hinagupit ng bagyo.
Pero hindi naiwasan ng Pangulong Duterte na nagalit dahil sa mabagal na paglabas ng pondo dahil sa aniya’y “stupid requirement” na pagsusumite ng damage assessment report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bago mailabas ang pondo para sa mga local government units (LGUs) na naapektuhan ng bagyo.
Lalo lamang aniya itong mapapatagal ang paghihirap ng mga biktima ng bagyo.
Samantala, nilinaw naman ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na walang kaguluhan na nangyayari sa probinsiya kabaligtaran ng mga naipaparating na ulat sa pangulo.
Kaugnay nito, binigyang diin ni Pangulong Duterte ang kahalagahan ng gampanin ng mga police at militar sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa panahon ng kalamidad.