-- Advertisements --
Ikinatuwa ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III ang naging mataas na trust and performance ratings ng kanilang hanay mula sa resulta ng isang pagaaral.
Ayon sa hepe, masaya siyang positibo ang nagiging pagtingin ng publiko sa kanilang ginagawa lalo na pagdating sa pagppatupad ng 5 minute response time sa pagresponde sa mga emerhensiya ng publiko.
Batay kasi sa resulta, 71% ang naitalang trust ratings ng PNP mula sa publiko habang 73% naman ang naitala ng Pambansang Pulisya para sa kanilang performace ratings batay pa rin sa mga naging reaksyon ng taombayan.
Dahil dito mas pagsisikapan pa ng PNP na mapataas pa ang kumiyansa ng publiko sa kanilang serbisyo at tiwala ng mga mamamayang pilipino sa kanilang performance.