-- Advertisements --

Nakarating na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama si First Lady Louise Araneta-Marcos sa Switzerland para lumahok sa World Economic Forum 2023. Lumapag sa Zurich-Kloten International Airport ang PAL flight PR001 na nagdala sa Pangulo at iba pang mga kasapi ng delegasyon ng Pilipinas sa Switzerland.

Bandang alas-11:27 PM (oras sa Pilipinas) dumating ang delegasyon ng Pilipinas.

Naimbitahan si Pangulong Marcos Jr, ni World Economic Forum (WEF) founder at Chair Emeritus Klaus Schwab na dadaluhan ng halos 3,000 katao na binubuo ng heads of state, business leaders, civil society leaders, academic leaders, at iba pa.

Ang nasabing forum ay may temang ‘Cooperation in a Fragmented World’ at para na rin i promote na rin ng Pangulo ang Pilipinas ang mga development at paglago nito.

Itinuturing din ng Pangulo na oportunidad ang kaniyang paglahok sa 2023 World Economic Forum, sa Davos, Switzerland upang makipagpalitan ng pananaw at opinyon sa iba pang lider, negosyante at mga eksperto hinggil sa mga napapanahong usapin sa kasalukuyan.

Tiniyak ni Pangulong Marcos Jr. na ibabahagi niya sa kaniyang pagdalo sa 2023 World Economic Forum sa Davos, Switzerland ang mga karanasan at hakbang ng Pilipinas para sa matatag na food security gayundin ang huwarang pamamahala ng bansa laban sa epekto ng pandemya.

Sa departure speech ng Pangulo inihayag nito na mahalaga ang partisipasyon ng bansa sa WEF bilang isa itong pagkakataon para ibahagi ang mga mahahalagang nakamit ng bansa sa pagsasaayos muli ng ekonomiya at paghihikayat sa mga malalaking negosyante at investors mula sa iba’t ibang bahagi ng buong mundo.

Ito ang kauna-unahang in-person meeting ng WEF matapos ang halos tatlong taon makalipas ang pag-usbong ng COVID-19 pandemic noong 2020. Isa rin ito sa pinakamalaking public-private forum sa buong mundo na dadaluhan ng 52 na heads of state.

Kasama sa delegasyon ng Pangulo si House Speaker Martin Romualdez.

Nabatid na Ilulunsad na ni Pangulong Marcos Jr ang Maharlika Investment Fund sa World Economic Forum.