Naglabas na ng isang pormal na pahayag si dating Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III sa kanyang opisyal na Facebook account ngayong araw.
Sa pamamagitan ng kanyang post sa social media, binigyang linaw ng dating pinuno ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas ang mga espekulasyon hinggil sa kanyang relasyon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Tiniyak ni Torre na wala siyang anumang sama ng loob o hinanakit sa Pangulo.
Bukod pa rito, nagpaabot din ng pasasalamat si dating Chief Torre sa lahat ng mga indibidwal na nagpahayag ng kanilang suporta sa kanya sa gitna ng mga pangyayari.
Gayunpaman, sa kanyang mensahe, umapela ang dating PNP Chief sa publiko na huwag siyang kaawaan o bigyan ng labis na simpatya.
Sa halip na siya ay kaawaan, iginiit ni Torre na ang mas dapat na bigyan ng pansin at kaawaan ay ang mga Pilipino na patuloy na nagdurusa at nagiging biktima ng kaliwa’t kanang pagbaha sa iba’t ibang panig ng bansa.
Aniya, sila ang tunay na nangangailangan ng tulong at suporta sa panahong ito.