-- Advertisements --
image 285

Inihayag ng isang ranking official ng Armed Forces of the Philippines sa isang confirmation hearing sa Commission on Appointment (CA) na nagpapatuloy pa rin ang panghaharass ng Chinese Coast Guards sa mga military personnel ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Iniulat ni Brig. Gen. Charlton Sean Gaerlan, ang deputy chief of staff ng AFP sa panel ang sitwasyon sa Kalayaan group of Island (KIG) sa pagtatanong ni Senator Joseph Ejercito Estrada.

Ayon sa AFP official na madalas na agresibo aniya ang Chinese Coast Guards kung saan hindi pinapayagan ang mga barko ng Pilipinas na makarating sa nasabing isla.

Sa kabila nito, patuloy pa rin aniya ang pag-attempt ng mga barko ng bansa na marating ang lugar subalit inamin din ng opisyal na ang naturang mga maniobra ay mapanganib lalo na para sa mga Navy personnel at idinagdag pa na ang anumang miscalculation ay maaring magresulta sa pinsala o pagkawala ng buhay.

Kaugnay nito, sinabi ni Sen. Ejercito na suportado ng Senado ang modernisasyon ng AFP lalo na’t ang pokus ng Pangulong Marcos Jr. ang external defense.