-- Advertisements --

Nagwagi ang pambato ng Pilipinas na si Kira Ellis sa katatapos na 2025 Europe Triathlon Junior Cup.

Tinalo nito ang 16 na iba pa para makamit ang gintong medalya sa torneo na ginanap sa Riga, Latvia.

Nagtala ito ng kabuuang 1:05:07 na oras na kinabibilangan ng 12:04 sa swimming; 34:27 sa bike at 17:36 sa running.

Pumangalawa naman sa kaniya si Luca Vanderbruggen ng Belgium at pangatlo naman si Sara Walter ng Germany.

Ang nasabing torneo ay kinabibilangang 750 meters sa swimming, apat na laps ng 22-km biking at 2-laps na 5.1 kms na swimming.