BUTUAN CITY – Patuloy na dinodomina ni Riley Maddeleign Alindogan, ang Grade 6 swimming sensation mula sa Legazpi City, ang swimming events sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa sa Brgy Patin-ay, bayan ng Prosperidad, Agusan del Sur, matapos nitong hakutin kahapon ang dalawang karagdagang gold medals para sa Region V.
Nanguna ang Legazpeña golden girl sa 200 meter individual medley at 200 meter freestyle competitions sa elementary girls’ division, kung kaya’t napanatili nito ang kanyang unstoppable streak.
Nakuha din niya ang silver medal sa 50 meter breaststroke.
Mula sa pagsimula ng swimming competition, naka-contribute na si Alindogan ng limang gold medals para sa Bicol region kungsaan ang apat nito ay mga individual gold medals at isa naman sa mixed relay.
Ang tagumpay na ito ay syang nagpatatag sa kanyang status bilang isa sa mga standout athletes sa national meet ngayong taon.















